Friday, October 26, 2007

From the Wife of an OFW - An open letter

From: Ma. Josefa Paras [mailto:mjrparas@yahoo.com]
Sent: Thursday, October 11, 2007 9:45 PM

To: hparas@ctjv.com

Subject: From the Wife of an OFW - An open letter


Sa mga kinauukulan:


Nung isang gabi, aking narinig sa isang pambalitaang programa sa telebisyon ang balitang kaya daw hindi
umuunlad ang mga pamilya ng OFW ay dahil maluluho ang pamilya ng OFW. Palagi daw naggo-grocery at nagmo-mall. Dalawang beses daw sa isang lingo kung kumain sa labas. Nag-isip ako at nagtanong sa sarili."talaga?"

Ngayong gabi lang, nasaksihan ko ang balita sa telebisyon na nagsasabing muling sumadsad ang palitan
ng piso sa dolyar sa pinakamababang antas nito: P44.05. Sinasabi rin na tinatayang sasadsad pa ang halaga ng dolyar sa pagdating ng Disyembre sa kadahilanang babaha ang padala ng mga OFW.

Sinasabi ng gobyerno, ito raw ay magandang balita. Ang paglakas daw ng piso ay nangangahulugan ng pagbuti
ng ekonomiya ng bansa. Alam ninyo, wala naman kaming magagawa kung sumadsad ang halaga ng dolyar e. Hindi rin naman kami against sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Kaya lang, bakit ganun? Bakit hindi naming nararamdaman na umuunlad nga ang ating ekonomiya?

Kagabi din, ibinalitang tataas ang presyo ng asukal bago mag Undas. Tinatayang aabot na hanggang
Disyembre ang mataas na presyo nito. Teka, kala ko ba bumubuti ang ekonomiya natin? Parang kailan lang, tumaas ang presyo ng bigas, ganun din ang petrolyo? Kung bumubuti ang ekonomiya ng bansa, bakit hindi naibababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin? Bakit sa halip na bumaba ang presyo ng mga produktong karaniwang pangangailangan ng pamilyang Pilipino,patuloy pa ang mga ito sa pag-taas? Pakisagot nga kaming mga pamilya ng OFW?

Sabi ng gobyerno, ang mga OFW daw ay ang mga bagong bayani ng bansa. Sila ang ating main export. Dahil
sa kanila, nabubuhay ang ekonomiya ng bansa. Ngunit sa balitang "bababa ang palitan ng dolyar hanggang Disyembre dahil sa mga padala ng mga OFW", hindi ba ito ay malinaw na pang-gagatas sa kanila? Mga walang utang na loob! Ginagatasan ninyo ang mga bayani ninyo!

Alam ninyo, okay din lang naman sa kanilang mga OFW na gatasan kung makikita at mararamdaman din lang naman nila ang pag-unlad ng bansa. Pero kung ganitong ginagatasan na sila, niloloko pa.aba, teka! Sino ba talaga ang nakikinabang dito? Akala ba ninyo e pinupulot lang nila ang perang ipinadadala dito para
kotongan ninyo? Makunsyensiya naman kayo! Ang kapalit nyan ay walang tigil na trabahong hindi iniinda ang sakit ng katawan sa pagod, mga masasakit na salitang pinagtitiisang pakinggan, paglunok ng kahihiyan at prinsipyo, malalamig na gabing ang kapiling lang ay larawan ng kanilang minamahal, pagsalang ng pisikal na katawan sa napakalamig o napaka init na temperatura. Lahat ng klaseng pag-titiis.iyan ang katumbas ng halagang ipinadadala ng mga OFW dito.iyan ang halagang ngayon ay pinagbabalakan ninyong pagsamantalahan.

Nasaan ang pagpapahalagang para dapat ay sa kanila at sa kanilang pamilya? Sa aming mga pamilya ng OFW,
okay lang. Sabi nga ng iba, mas nakahihigit kami ng pamumuhay kaysa sa mga minimum wage earners na nagta-trabaho dito sa Pilipinas. Nakakaluwag kami sa pamumuhay. Nabibili naming ang aming gusto higit pa sa aming pangangailangan. Pero alam ninyo, parang pareho din.

Ang minsan naming pagsasaya, tulad ng pagkain sa labas, panonood ng sine, paglilibang, at pamimili, may
kaukulang tax ding 12% na napupunta sa gobyerno. Minsan lang naming itong gawin, babalik din kami sa pamumuhay ng pangkaraniwang minimum wage earners dito sa Pilipinas. Bibili pa din kami ng bigas, gas, asukal, gatas, noodles, tinapay, tuyo, gulay, karne, sabon, at iba pa. Gagamit pa din kami ng kuryente at tubig. Sasakay pa din kami sa mga pampublikong sasakyan. Magbabayad pa din kami ng tuition fee sa paaralan. At ganun din ang singil sa amin sa mga pagamutan kung kami ay magkakasakit. Wala naman kaming espesyal na pribiliheyo e.

Ang sabi ninyo, maluluho kaming pamilya ng OFW. Hindi kami maluluho. Kino-compensate lang naming ang aming pangungulila sa aming mahal sa buhay. May karapatan kaming gawin ito ayon sa aming kagustuhan. Hindi ba't nakikinabang din naman kayo kapag kami ay naglilibang dahil sa laki ng tax na ipinapataw ninyo?


Sa baba ng palitan ng piso sa dolyar, nagiging halos pareho lang ang kita kung doon man sa ibang bansa
maghanap buhay o dito sa Pilipinas. Ang kaibahan, mas madaming oportunidad ang naibibigay ng ibang bansa kaysa dito sa ating bansa. Paano namang magkakaroon ng magandang oportunidad dito, e sa gobyerno pa lang, wala nang inatupag kundi ang sarili nilang kapakanan. Nagtatalo-talo dahil naglalamangan sa ipinapasok sa kani-kanilang mga bulsa.

Hoy, mga walang kunsyensiya, pera naming mga mamamayan ang ibinubulsa ninyo! Patunayan ninyong lumalago ang ekonomiya at papayag kami sa pagbaba ng halaga ng dolyar. Patunayan ninyo! Utang ninyo yan sa mga
mahal namin sa buhay na nagpapakamatay sa hirap sa ibang bansa. Kung hindi man, ilabas ninyo kung sino ang nakikinabang sa kawalanghiyaang ito.

Madami na kaming sama ng loob sa inyo. Sana naman, bigyan ninyo ito ng karapatang pansin.

Dapat mag-kaisa na tayo, ibangon natin ang pambansang atin. Peoples power ang ating kailangan, iligpit natin itong mga buwaya , mga magnanakaw, lalaong lalo na itong gobernong Arroyo na puro pamdarambong, pag-sisinungaling, pamdaraya, pagnanakaw.

Nandyan na ang GTE BROADBAND DEAL, MACAPAGAL BOULEVARD,JOSE PIDAL, at kong ano-ano pa, mga hinayupak na magnanakaw na dapat ibitay na patiwarik at pakagat sa langgam, para unti-unti nilang marasanan ang paghihirap ng ating kababayan lalong lalo na tayong mga esposa ng mga OFW.

Thanks & Best Regards

Edison A. Samonte

Sr. Electrical Inspector

E/W Pump Station 6 Area II

Tel. No. 03-5749209 ext. 138

Cel. No. 0568944765

No comments: