Monday, April 14, 2008
Si Mamay, Ang Bigas at Ang Buhay sa Pilipinas
Nang ako ay bata pa, naranasan ko ang mabuhay sa palayan sa piling ni Mamay (lolo). Alam ko ang hirap ng pag-gising nang madaling araw, maghapong paglilinang ng lupa haban nakabiliad sa araw. Mula sa pagaararo, pagtatanim, pag-aalaga ng palay, hanggang sa pag-aani. Hindi pa doon nagtatapos ang lahat, kailangan pang ibilad nang ilang araw ang palay bago ito maipagiling upang maging bigas. Sa kanya ko natutunan ang pagpipilapil habang nagpapahinga.
Kaya naman ganun na lang ang pagsisinop nya sa bawat butil ng palay na isa-isa nyang pinupulot sa palayan pagkatapos ng anihan at kung paanong magalit sya kung may butil ng kanin na matira sa aming pinggan.
Sa mahigit limampung taon, ganun ang buhay ni Mamay (lolo). Laging nagmamadali, walang Linggo at walang holiday. Hindi sya mayaman, isa lamang syang ganap na magsasaka. Masakit mang sabihin na nila-lang natin ang pagiging magsasaka nya, kung tutuusin, wala nga naman tayong kakaining kanin kung wala ang mga magsasaka, pero totoo ang sinabi ko, ISA LAMANG SYANG MAGSASAKA.
Nakakalungkot isipin na nabuhay sya sa sariling kayod, walang tulong ng gobyerno. Hanggang sa huling sandali ni Mamay, isa syang magsasaka, wala siya ni isa mang plake or pagkilalang natangap galing sa ating pamahalaan. Namatay sya na ang pensyon nya ay dahil sa sya ay isang beterano sa giyera. Namatay sya ng ang tanging konswelo ay ang di na pagbili ng kakaining bigas, masarap pa ang aming kanin.
Ngayon, wala na si Mamay, pero mas mahirap na ang buhay namin ngayon, bakit kanyo? -bumibili na kami ng bigas.
Kami, na isa nang consumer ng bigas at costumer ng pamahalaan ay animoy refugee na kinakailangan pang pumila upang makabili lamang ng pangit na bigas. Wala daw kakulangan sa bigas, ngunit bakit dalawang kilo lang ang kaya nilang ibenta sa amin? Anim sa bawat sampung pilipino ang naghihirap pumila araw araw, magkaroon lamang ng bigas na maisasaing at isa sa bawat sampung naman ang di na umaasa na makakapag-kanin sila nang higit sa isang beses sa isang araw.
Marami nga sigurong bigas, ngunit bakit mahal? Mabuti sana kung bigas lang ang ating kakainin, ngunit ang karne, de-lata at isda ay pawang nagtataasan na rin. Ganun din ang koryente at ang petrolyo. Lumalakas daw ang piso laban sa dolyar, totoo naman un, nguni ang buying power ng piso ay pababa nang pababa.
Nasaan ang aking ibinabayad na buwis? Bakit wala akong makitang hakbang ang gobyerno upang gumanda ang ating pamumuhay? Ah! alam ko na, mahal nga pala ang bayad sa mga advertisement sa TV, sa RADYO, at sa DYARYO, na sinasabing umuunlad ang Pilipinas. Madami nga pala tayong proyekto katulad ng mga nakikita nating infrastructure na itinatayo, mga kalsada, mga tulay pero di nga bat puno ng anomalya ang mga iyon?
Isa lang ang alam ko, na ang mga taong dapat ay kumikilos upang mapaganda ang ating buhay ay nandoon, nagtatrabaho sila upang gumanda ang kanilang buhay, tinutustusan sila ng perang galing sa buwis ng sardinas na binili ng isang pulubi, tinutustusan sila ng pawis natin sa maghapon, tayo din ang tumutustos sa kanilang mga pahayag na gumaganda na ang ating buhay, kahit hindi natin nararamdaman.
Ginagawa nila tayong tanga. Hindi ba natin alam kung gumaganda ang ating buhay? Kung gumanda man ang buhay natin, iyon ay dahil sa ating pagsisikap, at walang tulong ang pamahalaan. Kung totoong gumaganda ang ating ekonomiya, disin sanay di na umalis ang ating mga kababayan upang magpaalila sa ibang bansa.
Naway magising ang ating pamahalaan sa katotohanang sila ay isang PUBLIC SERVANT.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment