Saturday, September 1, 2007

The Inefficient Metrostar Express (MRT) in Manila, Philippines

I guess I should change the name of this blog from "Reklamo" to INEFFICIENT MRT". Not because I hate this only means of government controlled transport service along EDSA, but because I am a witness to their inefficiency.

I will say it first in Tagalog for me to express my disappointment with their service every time I took the train.

Sa hagdan pa lang, magagalit kana kung kelangan mo pang pumila para makarating sa escalators, para lang mainis na hindi pala umaandar ang naturang escalators.

Pag dating mo sa taas, bubulagain ka naman ng dami ng tao na nakapila para sa inspection ng guard. Sinabi ko sa guard na dapat tatlo sila or beter yet apat pa, para mas marami ang ma-search nila at hindi mapuno ang hagdan at para mabilis na makapasok ang tao. Sinagot ako ng "Ok lang sir, wala din naman kayong pupuntahan sa loob kasi puno din eh!" Di ba napaka bobong sagot nun?

Sa madaling salita, na-inspect na ako at nakapasok, pero di naman ako nakakilos... kasi puno nga ang ticket vending area. E pano ba naman, lima ang ticket window, e dalawa lang ang nagbebenta ng ticket. Tapos makikita mo ang mga employee sa loob na nagkukwentuhan lang! Ang kakapal ng mukha! nagawa pang magpakita sa tao na nandun sila, tapos dalawa lang ang nagbebenta ng ticket e rush periods un. Sana man lang ipinakita nila na busy sila, better yet, umalis na lang sana sila dun sa loob at nagkunyaring mga customer din.

Hay, nang nakabili na ako ng ticket, at nakapasok sa turnstile at nagaabang na ng tren, di na naman ako nakakilos, e bakit kanyo? e puno na din sa platform area! Puno ng mga tao na nagaabang naman ng tren! Eto na naman! Bakit walang tren e rush hour nga ung time na un? Kulang ba ang coach ng MRT? o talagang di lang sila marunong mag manage ng mga customer nila?

Mas maraming mga magagaling na manager galing sa private sector, bakit di sila ang kunin to run the company? Yung mga tao ng trained sa Customer Service at sa Management. Kailangan pa bang hintayin natin ang pagpapalit ng administrasyon bago matapos ang paghihirap nating mga commuters ng MRT?

Now, who has to be served? Sila ba?

Utang na loob ko ba bilang mamamayan na ngayon ay may sinasakyan akong MRT? Of course not, because I believe, from what the government have forcefully been collected as my tax monthly from my salary and for everything that I buy and for every service that I require, I really deserve more than that. Not to mention that I am, together with hundreds of thousands other, pay for every ride that we make.

1 comment:

Anonymous said...

Mabuhay po kayo at ang inyong articulo. Sad to say wala pa ring pagbabago ang serbisyo or should I say Perwisyo na binibigay sa mga passengers nila. INEPT and INNEFFECIENT pa din ang mga taong nag mamanage ng trains and stations, madami pa rin sa kanilang empleyado ang tamad, pati mga gwardiya, walang galang. Siguro panahon na para magkaroon ng ibang uri ng transpotasyon na singbilis o di kaya mas mabilis, kahit sa kalsada. Para tuluyan na silang mawalan ng customer.